^

Bansa

Sotto kay Duterte: SALN boluntaryong isapubliko

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Senate President Vicente Sotto III na isapubliko ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ayon kay Sotto, dapat voluntary ang pagsasapubliko ng SALN ng mga kandidato.

Paliwanag pa niya, inaasahan ng tao na magkaroon ng transparency sa mga leader ng bansa at kabilang dito si Duterte dahil siya ang pangulo ng bansa.

Magugunita na huling isinapubliko ni Duterte ang kanyang SALN noong 2017 pa kung saan nagdeklara siya ng net worth na P28.5 million at sa kabila ng kahilingan na ibunyag ang dokumento nito ay hindi isinapu­bliko ng Pangulo ang kanyang SALN noong 2018 at 2019.

Ito ang reaksyon ni Sotto sa mungkahi ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, kandidato sa pagka-senador, na dapat ibunyag ng mga kandidato sa national at local election ang kanilang SALN.

Subalit giit ni Sotto, maaring ideklara itong unconstitutional ng Supreme Court kung gagawin requirement sa mga kandidato ang pagdeklara ng kanilang SALN.

Matutulad lamang umano ito sa ginawang pagbasura ng SC sa mandatory drug testing para sa mga kandidato.

Nauna nang sinabi ng  Malacañang na pinapaubaya na ni Duterte sa Office of the Ombudsman ang pag-release ng kanyang SALN.

vuukle comment

SALN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with