^

Bansa

Pacquiao binira ang polisiya ng gobyerno sa face shield

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Senador Manny Pacquiao ang magkakaibang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng sapilitang paggamit ng face shields.

Ayon kay Pacquiao, parang hindi nag-uusap ang mga taga gobyerno kung ano ang dapat gawin samantalang madali naman ngayong magtawagan sa cellphone o sa pamamagitan ng internet.

Idinagdag pa ng Senador na iba ang sinasabi ni DILG Secretary Eduardo Año na maaaring mag- isyu ng sariling utos tungkol sa face shields ang mga lokal na pamahalaan.

Habang sinasabi naman ng Malakanyang na null and void ang kautusan ng lungsod ng Maynila na nagpapatigil sa manda­toryong paggamit ng face shield sa mga pam­publikong lugar maliban sa medical facilities.

Kaya tanong ni Pac­quiao, kung alin ang tamang polisiya at kulang pa ba ang kinita ng mga nagpupumilit na gumamit ng face shields ang publiko kahit pa walang siyentipikong batayan na proteksyon talaga ito laban sa COVID-19.

Para hindi umano magkalituhan, dapat na mag-isyu na ang Inter Agency Task Force ng formal announcement tungkol sa face shields.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with