COVID-19 cases na nagpapagaling pa rin sa Pilipinas 'lowest' sa loob ng 301 araw
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,646 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 2,809,311 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- Lahat ng kaso: 2,809,311
- Nagpapagaling pa: 29,138, o 1% ng total infections
- Kagagaling lang: 4,029, dahilan para maging 2,735,508 na lahat ng gumagaling
- Kamamatay lang: 99, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 44,665
3 milyong Sinovac COVID-19 vaccines
-
Ngayong araw naitala ang pinakamaliit na bilang ng "aktibong kaso" ng COVID-19 (29,138) sa Pilipinas matapos ang ika-22 ng Pebrero, 2022. Sa kabila nito, nasa pitong laboratoryo pa ang hindi nagsusumite ng kanilang datos, ayon sa huling DOH report.
-
Nasa 3 milyong doses ng Chinese COVID-19 vaccines mula sa kumpanyang Sinovac ang dumating sa Pilipinas ngayong araw matapos itong lumapaqg sa NAIA Terminal 2 sa Lungsod ng Parañaque.
-
Lalo pang bumababa ang kaso ng COVID-19 cases sa Quezon City ngayong araw, dahilan para lumapit na ito sa average cases na naitala noong Nobyembre 2020 (nasa 95). Mula 1,100 peak ng dahil sa Delta variant surge noong Setyembre, nasa 104 na lang ito sa pagitan ng ika-2 hanggang ika-8 ng Nobyembre.
-
Umabot na sa 30.1 milyon ang nakakukumpleto ng COVID-19 vaccine doses sa Pilipinas. Bahagi lang 'yan, 65.76 milyong gamot na naituturok na sa bansa sa ngayon.
-
Sumampa na sa 250.15 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 5.05 milyong katao.
— James Relativo
- Latest