^

Bansa

75% ng kandidato sa national position ‘nuisance’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
75% ng kandidato sa national position �nuisance�
Sa datos ng Comelec, nakatanggap sila ng 97 COC para sa pagka-pa­ngulo; 28 sa pagka-bise-presidente; 174 sa senador; at 270 party-list candidates.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Halos 75 porsyento ng mga nagsumite ng ‘certificate of candidacy (COC)’ para sa nasyunal na posisyon ay maaaring maideklarang mga ‘nuisance candidates’ sa oras na masala na ang talaan.

Sinabi ni Comelec Education and Information Department Director Elaiza Sabile-David na sa 569 aspirants, halos 3/4 nito ang maidedeklarang mga nuisance candidates.

Sa datos ng Comelec, nakatanggap sila ng 97 COC para sa pagka-pa­ngulo; 28 sa pagka-bise-presidente; 174 sa senador; at 270 party-list candidates.

“The candidates will still be filtered and most of them, maybe especially for the position of president, vice president, and senator will be considered as nuisance candidates,” ayon kay Sabile-David.

Nagsumite na umano ang kanilang law department ng petisyon para ideklara ang 75% ng mga aspirante bilang mga nuisance at nakatakdang desisyunan ng mga komisyuner.

Sa Rules of Procedure ng Comelec, mai­dedeklarang ‘nuisance’ ang sinumang aspirante na nagsumite ng COC para insultuhin o bastusin ang proseso ng halalan o kaya ay lumikha ng kalituhan. Kasama rin dito ang nagpakita na wala talagang interes na tumakbo sa halalan.

Isa sa ipinadedeklarang ‘nuisance’ ng ilang sektor si Sen. Ronald Dela Rosa na hayagang nagsabi na handa siyang ipaubaya kay Davao City Mayor Sara Duterte ang kaniyang slot kung sakaling nanaisin niyang tumakbo bilang pangulo ng bansa.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with