^

Bansa

Duterte biyaheng MIMAROPA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iikot bukas sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Region si Pangulong Duterte upang pangasiwaan ang mga pamana ng kanyang Administrasyon tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa lugar, bilang Chairman din ng kanyang itinatag na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman at National Secrurity Adviser Hermogenes Esperon Jr., bilang dating mayor, alam ng Pangulo kung papaano pamahalaan ang lokal na pamahalaan at bilang taga-sulong ng kaunlaran para sa lahat ng LGUs, itinutulak din ng Pangulong Duterte ang lahat ng mga programang makakapag-taas ng antas ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan.

Inutos din ito ang pagpapatupad ng mga programa na mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng malalayong lugar gaya ng libreng pag-aaral sa mga mag-kokolehiyo, libreng patubig sa mga sakahan at mga komunidad, programang pangkalusugan para sa lahat at ang pinag-igting na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa usapin ng kapayapaan sa rehiyon, iniulat ni Esperon na napahina ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang guerilla front at paglansag ng isa pa, upang malinis ang mga lugar sa pamemeste ng CPP-NPA-NDF. Ito rin ang naging dahilan para mapasama ang ilang barangay sa MIMAROPA na mabiyayaan ng Barangay Development Program.

vuukle comment

MIMAROPA

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with