P5.024 trilyong national budget naisumite na ng Kamara

Gayundin ang P5 bilyon para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program, P4.5 bilyon na Special Risk Allowance (SRA) sa mga public at private healthcare ­workers at P6 bilyon para sa Service Contracting Program.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matapos ang masu­sing pagbusisi, naisumite na ng Kamara sa Senado ang P5.024 trilyong 2022  General Appropriations Bill (GAB) o ang huling pambansang pondo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng 2022 GAB, ang sektor ng edukasyon ang may pinakamataas na pondo na aabot sa P773.6 bilyon.

Nakapaloob din ang dagdag na P20 bilyon na pambili ng COVID-19 booster shots at COVID vaccines para sa patuloy na pagtugon sa pan­demya.

Gayundin ang P5 bilyon para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program, P4.5 bilyon na Special Risk Allowance (SRA) sa mga public at private healthcare ­workers at P6 bilyon para sa Service Contracting Program.

Umaasa si House Speaker Lord Allan Velasco na malalagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre.

Show comments