NCR handa na sa Alert Level 2

MANILA, Philippines — Handa na ang ­National Capital ­Region sakaling ibaba ang ­COVID-19 measures sa Alert Level 2.

Sa Laging Handa online press briefing, tiniyak ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya na bukod sa DILG ay nakahanda na rin ang mga mayors sa NCR sakaling ipatupad ang Alert Level 2.

“Yes, handang-handa po ang DILG. Handang-handa rin po ang ating mga mayors sa National Capital Region,” ani Malaya.

Alam na rin anya ng mga mayors ang ­karagdagang kapasidad na ibibigay sa mga ­establisimyento.

Ikinatuwa rin ni Malaya na maganda na ang datos ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso nito.

Nakatitiyak siya na magtatagumpay ang pagpapatupad ng Alert Level 2 dahil sa bumibilis na pagbibigay ng bakuna, pagbaba ng kaso ng COVID-19 at pagdaragdag ng personnel  ng Philippine National Police.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Oktubre 31.— Mer Layson

Show comments