Dolomite Beach isara muna – Binay

Iminungkahi naman ni Sen. Nancy Binay na dapat kapulutan ng leksyon ng national at local government units (LGUs) ang pagdagsa ng mga tao sa Dolomite beach.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Habang wala pang malinaw na regulasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iginiit ni Sen. Nancy Binay ang pagpapasara ng Dolomite beach sa Manila Bay.

Ayon kay Binay, ito ay habang walang maliwanag na sistema ang DENR para sa mga taong nagtutungo sa naturang lugar.

Iginiit pa ng senador na nagsisikap ang mga frontliner sa health sector para makontrol ang hawaan ng COVID-19 at ng sumusulpot na variants nito, kaya kakatwa na may mga okasyon o lugar kung saan hinihikayat ang pagtitipon o kumpulan ng maraming tao.

Iminungkahi naman ni Binay na dapat kapulutan ng leksyon ng national at local government units (LGUs) ang pagdagsa ng mga tao sa Dolomite beach.

Dahil ibig sabihin umano nito ay kaila­ngan nang isama sa urban planning ang mga bukas na lugar na mapupuntahan ng mga tao sa ilalim ng new normal na bunsod ng ekonomiya.

Show comments