^

Bansa

‘Di bakunado pinapahanap ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Di bakunado pinapahanap ni Duterte
“I urge LGUs to come up with the most systematic and efficient way of finding out who among your constituents have not yet vaccinated. Please do everything to convince them to get vaccinated,” ani Pangulong Rodrigo RoaDuterte.
Joven Cagande, file

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Local Government Units (LGUs) na hanapin ang mga hindi pa bakunado sa kanilang lugar at kumbinsihin na sila ay magpabakuna.

“I urge LGUs to come up with the most systematic and efficient way of finding out who among your constituents have not yet vaccinated. Please do everything to convince them to get vaccinated,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo na dapat pasyalan na ng mga mayors at mga kapitan ng barangay ang mga nasasakupang lugar upang malaman kung sino pa ang mga walang bakuna.

“I’d like to appeal to the mayors and the barangay captains na magpasyal lang siya ng kalahating araw, tanu­ngin niya kung sino pang hindi nabakunahan at sabihin niya na kung mayroong sche­duled na bakuna, he will see to it na sabihin mo, ‘gusto kitang makita doon kasi maghahawa-hawa ka lang ng ibang tao kung ayaw mo,’” ani Duterte.

Binanggit din ng Pangulo na magkakaroon ng kaso ang mga hindi makakasunod na LGUs sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government.

“Kaya ako sinasabi ko sa kanila either you follow us or you have to answer to Secretary Año ng DILG. Siya ‘yung nagsu-supervise sa local governments. Ang mangyari niyan, talagang magkakaroon ka ng kaso. And bear in mind that alam mo ang kaso, even administratively, you can be dismissed,” ani Duterte.

Marami anyang suplay ng bakuna sa Pilipinas. Hanggang nitong Oktubre 24 ay nakatanggap na ng mahigit 97.6 milyong COVID vaccines ang bansa.

vuukle comment

LGUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with