^

Bansa

Natupad na pangako ni Bong Go Ika-144 Malasakit Center binuksan sa Marinduque

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinupad ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang pangako sa mamamayan ng Marinduque na maglalagay ng Malasakit Center sa Marinduque Provincial Hospital sa capital town ng Boac.

Ang binuksang ika-144 Malasakit Center ay siyang kauna-unahan sa probinsiya bilang bahagi ng pinalalawak na pagsisikap ng Duterte administration na ilapit sa publiko ang serbisyong pangkalusugan, partikular ang medical assistance, sa mga rural o mahihirap na lugar.

“Ipinangako ko ito sa inyo nung huli akong pumunta dito. Sabi natin kung qualified naman ay maglalagay tayo ng Malasakit Center dito sa Marinduque para makatulong sa mga kababayan natin para ‘di na nila kailangan pumunta ng ibang isla para humingi ng tulong,” sabi ni Go na tumutukoy sa kanyang ipinangako na natupad na.

Ang Marinduque ay isang isla sa katimugang bahagi ng Luzon. Hiwalay ito sa mainland Luzon ng Tayabas Bay. Dahil sa ­pagiging isang isla, ang mga residente na nangangailangan ng mas malaking tulong ng gobyerno ay mararating sa pamamagitan ng bangka.

“Para hindi kayo mahirapan, nandito na ang mga ahensya sa inyong ospital. Ginawa natin ito upang maging mas mabilis ang paghahatid ng serbisyo. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, kailangan ang gobyerno ang lumapit sa ating mga kababayan,” ayon kay Go

Noong 2019, iniakda ni Go ang isang panukala na naging Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act, matapos siyang mahalal na senador.

“Zero balance ang target nito para wala na kayong babayaran. Kung kulang ang tulong ng mga ahensya, mayroong inilaan din na dagdag pondo si Pangulong (Rodrigo) Duterte. Pakiusap nalang namin sa mga doktor at social worker, ‘wag niyong pabayaan ang ating mga mahihirap na kababayan, ‘yung helpless, hopeless at walang matakbuhan,” ang apela ni Go.

Pinasalamatan ng senador ang mga frontline health workers sa kanilang sakripisyo kaya nangako siyang ibibigay ang lahat ng suporta sa mga ito.

vuukle comment

MALASAKIT CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with