^

Bansa

Pacquiao namigay ng pera, pero ‘di raw vote buying

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao namigay ng pera, pero �di raw vote buying
“Yes, totoo po ‘yan namigay tayo ng tulong, grocery, bigas, at pera na tag-iisang libo,” ani ni Senator Manny Pacquiao sa panayam noong Biyernes.
News5 / Greg Gregorio

MANILA, Philippines — Inamin ni Senator Manny Pacquiao noong Biyernes na namigay siya ng pera sa isang pagtitipon sa Batangas pero itinanggi na isa itong uri ng vote buying.

Bukod sa pera, na­migay din si Pacquiao ng grocery at bigas.

“Yes, totoo po ‘yan namigay tayo ng tulong, grocery, bigas, at pera na tag-iisang libo,” ani Pacquiao sa panayam noong Biyernes.

Pero itinanggi niya na namili siya ng boto dahil matagal na aniya siyang tumutulong sa mga na­ngangailangan.

“Hindi [ito vote-buying] kasi ‘yung pamimigay ng pera at bigas, 2002 ko pa ginagawa ‘yan…Mula noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, habit ko na mamigay ‘pag nakita ko may nangangailangan, nagugutom,” sabi ni Pacquiao na tumatakbong pangulo ng bansa.

Ikinatuwiran pa ni Pacquiao na hindi pondo mula sa gobyerno ang perang ipinamigay  niya.

“Ito parang pilosopo. Ano gusto niyo mamigay ako ng pera o magnakaw ako?” ani Pacquiao.

Nagpunta si Pacquiao sa Balayan, Batangas noong Huwebes at namahagi ng relief packs sa may 7,000 biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with