^

Bansa

‘Kotong cops’, paninda ang pinupuntirya ngayong pandemya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Kotong cops�, paninda ang pinupuntirya ngayong pandemya
Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kung pera ang kinokotong dati ng mga tiwaling pulis ay paninda naman ngayon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na sa kabila ng pandemya ay may mga nananamantala pa ring mga kotong cops.

Sinabi ni Lacson na kung pera ang kinokotong dati ng mga tiwaling pulis ay paninda naman ngayon.

“Pera noon, paninda ngayon. Sa ganitong paraan bumalik ang kotong sa kabila ng pandemya,” ani Lacson,

Ayon kay Lacson, nagbibigay pa ng listahan ang mga tiwaling pulis sa mga nagtitinda sa Divisoria kung ano ang mga bagay na gusto nilang tirahin.

“Ngayon daw iba na. Ang pulis, for some reason, may listahan na bawa’t pondohan sa lugar na pinagtitindahan. Listahan na binibigay. Ito dapat inyong ibigay, gulay, prutas, paninda. Balik na naman tayo. Day-to-day corruption,” ani Lacson sa panayam sa DZRH.

Aniya, hindi sapat ang pagpaparusa sa mga tiwaling pulis. Dapat samahan ito ng matinong uri ng pamumuno kung saan siya nakilala noong kanyang nireporma ang kapulisan.

Ibinahagi ni Lacson na noong pinuno siya ng PNP, may nakagawian noon ang mga nagsusuplay ng gulay mula La Trinidad, Benguet patungo sa Divisioria na magbigay ng P1,000 sa mga kotong cops. Noong sinibak ni Lacson ang mga pulis na sangkot dito, ang laki ng natipid ng mga nagtitinda sa Divisoria dahil ’di na nila kailangan na magpatong ng malaki sa presyo ng mga gulay at prutas para may maipon na pang-abot sa mga nangongotong na pulis.

vuukle comment

PING LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with