^

Bansa

Pinsala ni ‘Maring’ sa agrikultura, umabot na sa P1.74 bilyon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa P1.74 bilyong halaga ang naging pinsala ng bagyong Maring sa agrikultura lalo na sa hilagang Luzon at mga lugar sa Visayas.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), winasak ng naturang bagyo ang may 68,137 ektarya ng agricultural areas na nakaapekto sa may  56,718  magsasaka at mangingisda.

Ang naturang pinsala ay may katumbas na 91,422 metric tons ng agricultural production.

Sinasabing ang higit na dumanas ng malaking epekto ng bagyo sa agrikultura ay ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at SOCCSKSARGEN.

Higit na naapektuhan ang mga pataniman ng palay, mais, high-value crops, manukan, pangisdaan, irigasyon at agri-facilities.

vuukle comment

DA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with