^

Bansa

'Bawal popcorn': Magsisine habang Metro Manila Alert Level 3 hindi pwede tsumibog, sabi ng DOH

James Relativo - Philstar.com
'Bawal popcorn': Magsisine habang Metro Manila Alert Level 3 hindi pwede tsumibog, sabi ng DOH
A sample of how theaters could look like under MGCQ areas.
Photo release

MANILA, Philippines — Mahilig ka bang lumafang habang pinapanuod ang paboritong pelikula sa loob ng sinehan? Excited ka na ba sa limitadong pagbubukas ng movie theatres sa Metro Manila simula Sabado? Nako, may kailangan kang malaman.

Ito ang paalala ng Department ng of Health (DOH) sa lahat ng mga sabik nang makapanuod sa "big screen" ngayong magluluwag ang Kamaynilaan patungong Alert Level 3 sa gitna ng COVID-19 pandemic simula ika-16 ng Oktubre.

"At least dapat hindi pupwedeng kumain sa loob ng sinehan sa panahon ngayon," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, sa isang media briefing.

"Dahil kapag kumain kayo sa loob ng sinehan, ibig sabihin maghuhubad kayo ng face mask at face shields at maaaring magkaroon kayo ng increased risk for having infection kung merong taong [infected]."

Wika ng DOH official, desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagluluwag sa National Capital Region, bagay na ibinase naman daw sa siyensya.

Ilan daw sa mga tinignan ng gobyerno bago marating ang desisyon ay ang iba't ibang risks at concern, trends ng COVID-19 infections atbp.

"Hindi po nagrerekomenda ang IATF ang isang bagay o isang industriya na bubuksan if we think na wala tayong safeguards sa pagbubukas na ito," dagdag pa ni Vergeire.

"Para naman sa ating mga kababayan, kung kayo po ay pupunta at manunuod ng sine, kailangan sundin ang safety protocols. You should wear your face shield and your face mask."

Sa bahagi naman ng mga sinehan, kinakailangan naman daw ang mga sumusunod bago payagang mag-operate:

  • "safety seal," bagay na ibinibigay kapag nakapasa sa mga ventillation standards 
  • pagpapatupad ng physical distancing
  • 30% venue capacity lang ang gagamitin
  • fully vaccinated lang ang papayagang manuod sa loob
  • pagbabawal na magtabi sa mga sinehan (one-seat apart)

Una nang sinabi ng Cinema Exhibitor Association of the Philippines (CEAP) na nasa P21 bilyong kita ang nawala sa mga sinehan mula nang magsara ang mga ito mula pa noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa huling ulat ng gobyerno nitong Huwebes, umabot na sa 2.69 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 swa Pilipinas. Patay na ang 40,221 katao sa kanila.

vuukle comment

CINEMA

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with