^

Bansa

Bagyong Maring, Nando posibleng magsanib, publiko pinaghahanda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalerto na kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) ang publiko na maghanda para sa paparating na dalawang bagyo na posibleng magsanib habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang NDRRMC ay nagsagawa ng pre-disaster assessment meeting  matapos ianunsyo ng PAGASA na ang bagyong Maring at Nando ay posibleng magsanib sa loob ng 36 oras at magdulot ng malalakas na pag-ulan at hangin.

Si Maring ay naispatan sa layong 860 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon dakong alas-8 ng umaga habang kumikilos sa bilis na 15km bawat oras. Ito’y magdadala ng malakas na hangin sa bilis na 85 km per hour at lakas na 105 kph.

Samantala si Nando ay namataan sa 670 km sa Casiguran, Aurora sa bilis na 45 kph taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 55 kph.

Ayon kay NDRRMC Chairman Ricardo Jalad na patuloy ang monitoring ng mga regional units ng kanilang tanggapan na nakahanda sa disaster relief and humanitarian response.

vuukle comment

PAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with