^

Bansa

Health workers ­patuloy na nagbibitiw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-aalala ngayon ang pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na kapusin na sa healthcare workers (HCWs) ang bansa dahil sa patuloy na pagbibitiw sa tungkulin ng marami sa kanila upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng PHAPI, na mas mala­king alok na suweldo ang pangunahing dahilan kaya naglalayasan ang mga HCW sa mga ospital.

“Naghihintay na lang po siguro ng ticket papunta ng abroad. Prediction ko nga po in the next 6 months talagang halos mapaparalyze na ating mga ospital dahil sa kakulangan,” ayon kay De Grano.

Isa rin sa dahilan ng pagbibitaw sa pwesto ng mga healthcare worker ay ang naantalang pagbibigay ng ipinangako sa kanilang mga benepisyo.

Dahil dito, nahihirapan ang mga pribadong pagamutan na tumugon sa pangangailangan ng mga pasyente lalo na kapag nagdedeklara ng ‘full capacity’ dulot pa rin ng COVID-19.

Upang maibsan ang kakulangan sa manpower, nagdedeklara ang ilang pagamutan na ‘full capacity’ na kahit may mga ekstra pang kama dahil sa kakulangan sa nurses na tutugon sa mga pasyente.

Bukod sa mga nagbitiw, marami rin sa mga HCWs ang tinatamaan din ng sakit dahil sa sobrang pagod.

Dahil sa pandemya, wala pa umanong kuwalipikadong pumalit na mga nurses kaya maging mga nursing aide ay tinuturuan na para gampanan ang tungkulin ng mga sertipikadong nurse.

vuukle comment

PHAPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with