^

Bansa

Duterte maghahanda para sa depensa sa ICC

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte maghahanda para sa depensa sa ICC
“Simple lang, ayaw nila ako maglaro pa ng pulitika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao at maghintay ako sa maraming si dada nang dada diyan ng kaso. Hintayin ko kayo. I will prepare for my defense na ‘yung ICC na ‘yan,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR / File

MANILA, Philippines — Paghahandaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang depensa sa International Criminal Court (ICC) kapag bumababa na siya sa puwesto.

Ayon sa Pangulo, uuwi na siya sa Davao pagkatapos ng kanyang termino.

“Simple lang, ayaw nila ako maglaro pa ng pulitika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao at maghintay ako sa maraming si dada nang dada diyan ng kaso. Hintayin ko kayo. I will prepare for my defense na ‘yung ICC na ‘yan,” ani Duterte.

Pero sinabi niya na dapat ay totoo lamang ang mga ikakaso sa kanya at hindi ibibintang pati ang mga namatay sa malaria.

“Huwag lang kayong magsinungaling. Kung totoo lang, tutal may record naman. Huwag kayong mag-imbento na ‘yung namatay ng malaria diyan pati --- icha-charge ninyo sa akin. Kalokohan na ‘yan. Hindi na justice ang hinahanap ninyo niyan. Ibigay ko sa inyo. Hindi ko kayo tinatakot. Huwag lang ninyo akong dayain sa ebidensya,” ani Duterte.

Pero muling binanggit ng Pangulo na hindi dapat nakikialam ang ICC sa Pilipinas dahil mayroon itong sariling judicial system.

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with