^

Bansa

Lorenzana, inaming tinutulan ng China ang pagrepaso sa Philippine-US defense treaty

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lorenzana, inaming tinutulan ng China ang pagrepaso sa Philippine-US defense treaty
Ayon kay Lorenzana, nang ihayag niya ang planong pag review sa MDT sa US, lumapit sa kanya ang isang dating Chinese ambassador na nakiusap na huwag nang galawin o ireview ang MDT.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa forum ng Starbase ADri kaugnay ng ika 70th anibersaryo ng MDT na tinutulan ng China ang Philippine-US Mutual Defense Treaty.

Ayon kay Lorenzana, nang ihayag niya ang planong pag review sa MDT sa US, lumapit sa kanya ang isang dating Chinese ambassador na nakiusap na huwag nang galawin o ireview ang MDT.

‘While the US welcomes the idea of revisi­ting the MDT an outside party does not. When I first broached the idea of revisiting the MDT the former chinese ambassador came to me and said: “please do not touch the mdt. Leave it as it is,” ani Lorenzana.

Tumanggi naman si Lorenzana na tukuyin ang pangalan ng dating Chinese Ambassador.

Iginiit ni Lorenzana ang kailangan na ma-review at maamyendahan ang MDT dahil sa kinakaharap na regional security challange at ginagawang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

Patuloy ang Pilipinas sa protesta sa China dahil sa pagpasok ng barko ng mga China at paghaharass sa mga Filipino mangingisda sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

vuukle comment

PHILIPPINE

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with