^

Bansa

Ayaw magpabakuna, gagamitan ng police power - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Ayaw magpabakuna, gagamitan ng police power - Duterte
Health workers and other members of vaccine proriority groups receive their second shot of Sinovac's COVID-19 jab at Marikina Elementary School on Tuesday, May 4, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ang police power ng gobyerno sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, sa mga ordinaryong araw na walang pandemya ay hindi nakialam ang gobyerno at hindi namimilit ng kahit anong relihiyon o paniniwala na gawin ang isang bagay.

Pero ibang usapan aniya kung ilalagay sa pa­nganib ng mga ayaw magpabakuna ang buhay ng mga mamamayan.

Sabi pa ni Duterte, taliwas sa opinyon ng iba, maaaring pilitin ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna.

Pinalalayas din ng Pangulo sa serbisyo ang mga nagsisilbi sa gobyerno pero ayaw magpabakuna.

Mapanganib aniya ang mga taong gobyerno na ayaw magpabakuna dahil humaharap sila sa mga mamamayan.

Binanggit din niya na maaring pakialaman ng pulis­ya ang pribadong buhay ng mga ayaw magpabakuna dahil sa kanilang paniniwala dahil puwedeng sila ang magpakalat ng virus.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with