^

Bansa

Pharmally exec pinapahanap na sa NBI

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pharmally exec pinapahanap na sa NBI
Pharmally executive Krizle Grace Mago attends a Senate blue ribbon committee on Sept. 24, 2021.
Screen grab / Senate of the Philippines YouTube page

MANILA, Philippines — Humingi na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Senate Blue Ribbon Committee para mahanap ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na si Krizle Grace Mago.

Si Mago ang umamin sa nakaraang Senate hearing na binago nila ang production date ng face shields na binenta nila sa gobyerno.

Ayon kay Sen. Ri­chard Gordon, chairman ng komite na nagpatulong na si Senate President Vicente Sotto III sa NBI habang sumulat naman ang Blue Ribbon secretariat sa ahensiya para hanapin si Mago.

Idinagdag pa ni Gordon, na nakipag-ugna­yan na sila para magpatulong sa paghahanap kay Mago sa mga madre ng St. Paul University of the Philippines sa Tuguegarao City kung saan ito nag-graduate.

Nilinaw naman ng senador na hinahanap nila si Mago hindi para bitbitin sa Senado kundi para masiguro na ligtas siya at hindi masasaktan, habang nananatili naman ang kanilang alok para protektahan ito na hindi naman maaaring pwersahin para sumailalim sa kanilang protective custody.

Giit pa ni Gordon na mabigat ang testimonya ni Mago laban sa Pharmally kaya nangangamba sila sa kaligtasan nito.

Sa Huwebes muling itinakda ang pagdinig ng komite at umaasa ang Senador na haharap dito si Mago. Kung hindi darating ay doon maaaring ipasya ng mga senador na ipa-contempt siya at ipaaresto.

 

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with