^

Bansa

Pagpapalawig ng voter’s registration hanggang Oktubre 31 aprub sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpapalawig ng voter�s registration hanggang Oktubre 31 aprub sa Senado
Madilim pa ay nakapila na ang magpaparehistrong botante na naghihintay sa pagbubukas ng Commission on Elections (Comelec) satellite voter registration booth sa Ali Mall sa Quezon City. Magtatapos ang registration sa darating na Sept. 30, bagama’t may mga pag-aksyon nang ginawa ang kongreso para mapalawig ito.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na magpapalawig ng voter registration period.

Sa botong 23-pabor na walang tutol at walang abstention ay pinagtibay ang Senate Bill 2408 na mula sa Setyembre 30, 2021 ay pinauurong ng mga senador ang rehistrasyon ng mga botante hanggang Oktubre 31, 2021.

Paliwanag ng mga Senador dapat itong palawigin para magkaroon ng pagkakataon na magparehistro ang nasa 12 milyon pang eligible voters.

Nabawasan umano ng pagkakataon ang mga Filipino na magparehistro dahil sa mga lockdown at quarantine measures na pinaiiral dahil sa COVID pandemic.

vuukle comment

2022 ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with