Comelec nanawagan sa payapang Halalan 2022
MANILA, Philippines — Nanawagan sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) na iwasan ang karahasan at gawing mapayapa ang pagsasagawa ng 2022 national at local elections.
Ang apela ng Comelec ay ginawa matapos magpalabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mangingiming gumamit ng militar para matiyak ang mapayapang eleksiyon.
Ani Comelec Spokesperson James Jimenez nitong Sabado, ang panawagan ng Pangulo sa peaceful elections ay isang makapangyarihang paalala sa lahat ng mga kakandidato, at kanilang campaign managers.
Tiniyak ng Comelec sa publiko na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang mapanatili ang kaayusan ng halalan.
“It should also be noted that, in those instances where violent incidents threaten the integrity of the elections, the poll body has the authority to take such steps as may be necessary to address the situation, including but not limited to the imposition of Comelec control on specific parts of the country,” ani Jimenez.
- Latest