^

Bansa

Face shields nae-expire rin – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Face shields nae-expire rin � DOH
Paliwanag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa naging katanungan ng ilang social media user noong Biyernes sa Senate Hearing matapos ibun­yag ng isang testigo na ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ay nagre-repack ng sub-standard at pinapalitan ang petsa ng medical-grade supply face shields na para sa DOH na ipinagagamit sa health workers ngayong may pan­demya.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines —Ipinaliwanag kahapon ng Department of Health (DOH) na  ang medical grade face shields ay may shelf life rin o nae-expire subalit ito ay hindi kapareho ng ibi­nebenta sa publiko o para sa community use.

Paliwanag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa naging katanungan ng ilang social media user noong Biyernes sa Senate Hearing matapos ibun­yag ng isang testigo na ang Pharmally Pharmaceutical Corp. ay nagre-repack ng sub-standard at pinapalitan ang petsa ng medical-grade supply face shields na para sa DOH na ipinagagamit sa health workers ngayong may pan­demya.

“Just like any medical commodity, mayroon din pong tinatawag na shelf life. Ito pong face shields na binibili namin is not for the community,” paliwanag ni Vergeire sa isang public briefing.

“Ito pong mga face shield na ito na maaa­ring magkaroon ng deterioration over time... mayroon po siyang foam na nakadikit diyan para hindi masakit sa noo ng ating healthcare workers. Ito pong foam na ito over time, nag-pupulverize po ‘yan, nadudurog. ‘Yung iba nagdi-discolor po ‘yan,” dagdag pa ni Vergeire.

Gayunman, sinabi ng DOH na kahit expire o lagpas na sa shelf life, mas importante tingnan ang kalidad ng face shields upang mapigilan na mahawaan ng sakit ang health care wor­kers.

Matatandaang isang manggagawa sa bo­dega ng Pharmally na tumayong testigo sa pagdinig sa Senado nitong Biyernes ang nagbunyag na ang management ang nag-uutos sa kanila na palitan ang certificate stickers ng face shields na may tatak na 2020 sa 2021, na bahagi ng delivery na inorder ng DOH.

Dagdag pa ng testigo, may mga naninilaw na face shields, mga nakatupi, basa, luma at may mga marurumi ang kabilang sa kanilang nire-repack.

Sa kabila naman ng pagkumpirma ng isang Krizle Grace Mago ng Pharmally na pinapalitan nila ang certification stickers ng mga face shields, iginiit ni Vergeire na ang mga idinedeliber na items para gamitin ng health workers sa bansa ay pumasa sa inspeksyon.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with