^

Bansa

Face shields na dineliber sa DOH pinapalitan ng expiry dates

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face shields na dineliber sa DOH pinapalitan ng expiry dates
Sa muling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Krizle Grace Mago na inutusan siya ni Mohit Dargani na corporate treasurer at secretary ng Pharmally para i-tampered ang expiration date ng mga face shields mula sa 2020 ay gawin itong 2021.
Philstar.com / Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Inamin ng isang opis­yal ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. na pinapalitan nila ng expiration dates ang mga face shields na dini-deliver ng kanilang kumpanya sa Department of Health (DOH).

Sa muling pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Krizle Grace Mago na inutusan siya ni Mohit Dargani na corporate treasurer at secretary ng Pharmally para i-tampered ang expiration date ng mga face shields mula sa 2020 ay gawin itong 2021.

Kaagad naman tinanong ni Sen. Kiko Pangilinan si Mago kung sa tingin niya ay panloloko o swindling ito sa gobyerno, na sinagot naman ng opisyal na “I believe so, Mr. Chairman.”

Pinabulaanan naman ito ni Dargani at sinabing bagama’t inuutusan niya si Mago subalit sa kaso na ito ay wala siyang ipinag-utos sa kanyang tauhan.

Ang pag-amin ni Mago ay ginawa matapos ipresenta naman ni Sen. Risa Hontiveros ang isang video na umano’y empleyado ng Pharmally na siya ay inatasan na i-tamper ang certificates ng face shields at ginawa itong 2021 mula sa orihinal na 2020.

Ibinunyag pa ng hindi nagpakilalang empleyado na kahit yupi-yupi na ang mga face shields at mga kahon, kahit may mga dumi, naninilaw, substandard, kahit basa dahil natuluan ng tubig mula sa warehouse ay pina-repack pa rin ito sa kanila.

Matapos na mai-repack ang face shields ay saka umano ilalagay nito ang sticker kung saan nakalagay na. “Philippine Government Property” at Department of Health (DOH).

Samantala, pina­palipat ng Senate Blue Ribbon committee si Linconn Ong sa Pasay City Jail mula sa kustodiya ng Senado.

Ito ay dahil sa patuloy umanong pagsisinunga­ling ni Ong at hind pagsasabi ng totoo sa gitna ng pagdinig.

Bukod dito, hiniling din ng komite na mag-isyu ng subpoena at warrant of arrest laban sa mga opisyal ng Greentrends na sina Raffy Barcina, Andres Aquino, Ryan Escano, Carlos Agustin at Jayson Espino.

Ang Greentrends ang supplier ng 500,000 face mask sa TigerPhil Marketing Corp. na siyang binili ng Pharmally.

 

Related video:

vuukle comment

FACE SHIELD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with