^

Bansa

P800 milyong dagdag pondo sa kanser inihirit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P800 milyong  dagdag pondo sa kanser inihirit
Sinabi ni Rep. Alfred Vargas, na ang sakit na kanser ay siya pa ring nangungunang sakit na sanhi ng kamatayan at pagkakaroon ng kapansanan ng maraming tao sa bansa kaya dapat lamang itong mapondohan ng sapat. Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 157,000 mga bagong kaso kada taon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isinusulong ni 5th District Quezon City Rep. Alfred Vargas ang P800M karagdagang pondo para sa mga pasyenteng may kanser sa ilalim ng badyet ng Department of Health (DOH) sa susunod na taon.

Sinabi ni Vargas, na ang sakit na kanser ay siya pa ring nangungunang sakit na sanhi ng kamatayan at pagkakaroon ng kapansanan ng maraming tao sa bansa kaya dapat lamang itong mapondohan ng sapat. Ang Pilipinas ay nakapagtala ng 157,000 mga bagong kaso kada taon.

Ayon pa kay Vargas kailangang itaas ang pondo sa Cancer, Supportive Care at Palliative Care Medicines Access Program (CSPMAP) ng DOH mula sa P786 milyon sa P1.586 bilyon.

Si Vargas ang pa-ngunahing may akda  ng National Integrated Cancer Control Act  (NICCA) o ang Republic Act No. 11215 at kasalukuyang Chair-man ng  House Commi-ttee on Social Services.

Aniya ang P756 mil­yong panukalang pondo sa 2022 sa sakit na kan-ser ay magbebenepis-    yo sa kabuuang 26,000 mga pasyenteng may kanser.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with