^

Bansa

Isko: ‘Lumaki akong busabos, pero ‘di bastos’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Isko: �Lumaki akong busabos, pero �di bastos�
Kuha kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, ika-22 ng Setyembre, matapos ang opisyal na deklarasyon ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022
Mula sa Facebook page ni Isko Moreno Domagoso

MANILA, Philippines — “Opo, lumaki akong busabos, ngunit hindi ako naging bastos.”

Ito ang tinuran ni Manila City Mayor Isko Moreno makaraang pormal na magdeklara kahapon ng kanilang kandidatura ni health vlogger Doc Willie Ong para sa darating na Presidential at Vice-Presidential elections sa 2022 sa Baseco, Tondo, Maynila.

Ibinahagi ni Moreno na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng pangmamata dahil sa kaniyang pinagmulan sa Tondo. Ngunit iginiit niya na ang natutunan niya sa ‘public administration’ ay hindi niya natutunan sa paaralan ngunit sa mga ‘squatter’s area’ ng Tondo.

“Buong kababaang-loob na inihahayag ko sa inyo mga kababayan ko: Sa darating na Mayo, tanggapin n’yo po ang aking aplikasyon bilang Pangu-lo ng Pilipinas,” bahagi ng talumpati ni Moreno.

Iginiit ni Moreno na hindi ang matayog na am­bisyon ang nagtulak sa kaniya sa desisyon ngunit ang kalunus-lunos umanong kundisyon ng bansa. Habang ginagawa umano ng ibang bansa ang ‘best practices’ sa paglaban sa COVID-19, ginagamit naman umano sa Pilipinas ang taumbayan bilang mga ‘guinea pigs’ sa pinakamahaba at pinaka-istriktong “unli quarantines”.
“557 days na po tayong nasa quarantine. But instead of flattening the curve, we have flattened our eco-nomy,” ayon pa sa alkalde.

Sa mga susunod na araw ilalabas ni Moreno ang kaniyang plataporma ngunit marami sa mga ito ay ginagawa na umano niya sa lungsod ng Maynila.

Kabilang dito ang iba’t ibang ‘housing projects’ para sa mga mahihirap, pampublikong ospital, pagprayoridad sa edukasyon at internet connectivity, pag­nenegosyo, at kalinisan.

Idinagdag pa niya ang pagkakaroon ng ‘inclusive government’ na kasama ang lahat tulad ng ginagawa niya sa Maynila na na­kapag-aaral sa kanilang mga pinatatakbong unibersidad at nagkapagpapagamot sa kanilang mga ospital maging mga hindi residente ng Maynila.

Related video:

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with