^

Bansa

War on drugs pinarerebyu ni Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
War on drugs pinarerebyu ni Duterte
Ito ang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa 76th UN General Assembly at iginiit na ang batas ay dapat ina-apply sa lahat maging sa mga alagad ng batas na umaabuso sa kanilang mga tungkulin. Ang nais lang umano ng mga
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pinarerepaso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National POlice (PNP) ang umiiral na kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa 76th UN General Assembly at iginiit na ang batas ay dapat ina-apply sa lahat maging sa mga alagad ng batas na umaabuso sa kanilang mga tungkulin.

Ang nais lang umano ng mga Filipino ay katahimikan at seguridad sa kani-kanilang mga bahay at komunidad na ligtas sa anumang banta ng kriminalidad.

Dahil dito kaya inatasan na umano ni Duterte ang DOJ at PNP na repasuhin ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ang sinuman na lumalabag dito ay dapat papanagutin.

Binanggit din ni Duterte na kaisa sila ng UN pagda-ting sa isyu ng karapatang pantao.

Ang pahayag ng Pangulo tungkol sa kampanya ng gobyerno kaugnay sa ilegal na droga ay ginawa matapos na sabihin ng International Criminal Court (ICC) na magsasagawa sila ng malalim na imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Base sa pinakahuling datos, 6,181 ang namatay sa mahigit na 200,000 anti-drug operations noong Hulyo 2016.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with