^

Bansa

‘Online Kopyahan’ iniimbestigahan na ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Online Kopyahan� iniimbestigahan na ng PNP
Ayon kay PNP Chief Gen. Guiller­mo Eleazar, base sa report, may grupo sa Facebook ang ilang estudyante at nagkokopya­han ng kanilang mga sagot sa exam at sinasaman- tala ang online classes.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni PNP Chief Gen. Guiller­mo Eleazar sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang report ng Department of Education (DepEd) sa umano’y pangongopya ng sagot ‘online’ ng mga estudyante sa kabila ng ipinatutupad na distance learning scheme.

Ayon kay Eleazar, base sa report, may grupo sa Facebook ang ilang estudyante at nagkokopya­han ng kanilang mga sagot sa exam at sinasaman-  tala ang online classes.

Ikinabahala ni DepEd Sec. Leonor Briones ang report ng dayaan kaya humingi na ito ng tulong sa PNP upang alamin ang grupo na responsable dito.

Giit naman ni Eleazar, dapat ay binabantayan at ginagabayan pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang mapanatili ang  tamang edukasyon.

Mensahe ni Eleazar sa mga magulang, hindi pabilisan at patalinuhan ang tunay na intensyon ng edukasyon, kailangan na matuto ang mga estudyante sa matapat na paraan.

vuukle comment

ACG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with