^

Bansa

Bong Go: Malasakit Centers, tanda ng ginhawa ng serbisyo ng gobyerno

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinagalak ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagtatayo ng Malasakit Center sa anim na probinsiya sa Western Visayas na pawang “ope­rational” na lahat sa pagsasabing ang mga nasabing center ay palatandaan ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na mailapit sa taumbayan, lalo sa mahihirap, ang ginhawa ng serbisyong mula sa gobyerno.

Ayon kay Senator Go, ang Malasakit Centers ay pagpapakita rin ng pagsisikap ng gobyernong maibigay ang maayos na healthcare system o di­senteng pangangalaga sa kalusugan na karapatan ng bawat Filipino.

“Siguraduhin po natin na patuloy ang pagbubukas ng Malasakit Centers sa iba’t ibang parte ng bansa upang mas mailapit sa tao ang ginhawa ng serbisyong dapat nilang makuha,” ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 141 gumaganang Malasakit Centers sa iba’t ibang panig ng bansa, ang siyam ay nakakalat sa iba’t ibang ospital sa Western Visayas.

Nang mapasimulan ang Malasakit Center sa Cebu City noong 2018, higit 2 milyon nang pasyente sa buong bansa ang naserbisyohan at natulungan na nito.

vuukle comment

MALASAKIT CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with