^

Bansa

DOH: 10K COVID-19 vaccine doses na nasayang sa bansa 'normal' sa WHO standards

James Relativo - Philstar.com
DOH: 10K COVID-19 vaccine doses na nasayang sa bansa 'normal' sa WHO standards
This handout photo taken on May 1, 2021 and receive from the Presidential Communications Operations Office - Office of the Global Media and Public Affairs (PCOO-OGMPA) shows workers unloading first batch of the Russian-made Sputnik V coronavirus vaccine from a plane shortly after arriving at the international airport in Manila.
Handout / PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE-OFFICE OF THE GLOBAL MEDIA AND PUBLIC AFFAIRS / AFP

MANILA, Philippines (Updated 4:15 p.m.) — Hindi raw dapat ikabahala ang libu-libong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) na hindi napakinabangan sa Pilipinas magmula nang magsimula ang immunization program ng bansa nitong Marso — maliit pa raw ito at normal pa, sabi ng Deparment of Health (DOH).

Linggo kasi nang iulat ni Health Undersecretary at National Vaccine Operation Center head Myrna Cabotaje na nasa 10,000 COVID-19 vaccines na ang nasasayang sa ngayon.

"This is the totality of all the wastage, 'yun 'yung binanggit ni Usec. Myrna mula pa noong nag-umpisang magbakunahan hanggang sa ngayon, 'yan po ang total natin," paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, sa isang media forum.

"['Yung] wastage naman po hindi po naiiwasan... That's why ang [World Health Organization], meron silang lagi talagang sinasabi na this is the 5% wastage which is acceptable for everybody, for all the countries. 'Yun pong ating 10,000 ay nandoon pa rin tayo within acceptable range."

Dagdag pa ng DOH official, "maliit na maliit" na posyento lang ang 10,000 nasayang sa kabuuang 41.41 milyon doses ng bakuna na naiturok na sa populasyon.

Malayo rin ang 10k sa 22.85 milyong nakakuha na ng unang dose at 18.56 milyong kataong kumpleto na sa bakuna, ayon sa mga datos na inilabas ng kagawaran kahapon.

Dahilan ng mga pagkapanis, pagkasayang

Paliwanag pa ni Vergeire, karamihan sa bilang ng COVID-19 vaccines na nasayang ay mula sa mga "breaches" o hindi pagpapatupad nang maayos sa logistics protocols na nakatakda sa mga gamot.

"Pangalawa siyempre, may mga unforeseen events na nagyayari. Meron pong mga bagyong dumaan, meron pong nawalan ng kuryente, meron pong sa transport pa lang nagkaroon na tayo ng problema," patuloy pa ng tagapagsalita ng DOH ngayong araw.

"But again, let me go back, ito pong 10,000 ito, napakaliit po na porsyento na ito kapag kinumpara na natin sa overall na mga naibigay na nating bakuna dito sa bansa."

Matatandaang sinabi ni Cabotaje na nangyari ang pinakamalalking vaccine wastage sa storage facility ng isang major vaccination site sa Filinvest Muntinlupa.

Aniya, nagbago raw kasi ang temperatura sa pasilidad dahil sa maling pag-asikaso ng pamahalaang lungsod at vaccine safety officers. Ang nabanggit ay nagresulta sa "temperature excursion."

Mayo lang din masayang ang ilang doses ng COVID-19 vaccines sa North Cotabato matapos magkaroon ng problema sa kuryente at problema sa storage. Kinakailangan kasing nakalagay sa malamig na temperatura ang mga gamot para manatili ang bisa.

Mayo naman nang muntikang mapanis ang nasa 1,600 doses ng COVID-19 vaccines matapos nitong lumubog sa tubig kasama ng bangkang nagde-deliver sana ng suplay sa dalawang bayan ng Quezon province. Gayunpaman, nakuha ito ng Philippine Coast Guard at hindi naman napinsala.

Sa huling ulat ng DOH kahapon, umabot na sa 2.36 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Gayunpaman, hindi pinalad at nasawi ang nasa 36,788 sa kanila.

Walang vaccine wastage?

Sa kabila ng mga naunang pahayag ng DOH, itinatanggi naman ng kanilang logistics partner na merong mga nasayang na COVID-19 vaccines simula nang umpisahan ang pagtuturok ng bakuna ngaqyong taon.

"As the national logistics partner of the Department of Health (DOH), PharmaServ Express has ensured that no COVID-19 vaccine has been wasted from storage to careful packing and distribution to LGUs since April 2021," ani PharmaServ Express, Inc. President Andrian Perez kanina.

"From Day One of the country’s vaccine rollout, PharmaServ Express assures the Filipino people that we have always ensured the vaccines we have handled are intact and maintained."

Dagdag pa ni Perez, patuloy na nagsisikap ang PharmaServ Express para matiyak ang maasahang cold-chain management service para sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Una nang nakatrabaho ng DOH at UNICEF ang kumpanya para puksain ang outbreaks ng tigas at polio na parehong nangyari noong 2019 sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with