^

Bansa

Sara mas pinili na tumakbong muli bilang alkalde kaysa presidente

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sara mas pinili na tumakbong muli bilang alkalde kaysa presidente
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

MANILA, Philippines — Mas pinili ni Sara Duterte-Carpio na mu­ling kumandidato bilang alkalde ng Davao City sa halip na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.

“According to Mayor Sara, she will run for re-election as Davao City Mayor,” pahayag ng spokesperson ni Sara na si Christina Fras­co tungkol sa political plans ng mayor.

Ang nakababatang kapatid ni Sara na si Sebastian Duterte ang kakandidato namang vice mayor.

Binanggit din ni Sara ang kasunduan niya sa kanyang pamilya na isa lamang dapat sa kanila ang kakandidato sa national position sa eleksiyon sa susunod na taon.

Una na ring tiniyak ng presidential daughter na hindi siya maghahain ng certificate of candidacy bilang substitution candidate ng kanyang ama na tatakbo namang bise presidente.

“I will not file my COC for President on Oct 8.And substitution is not an option, I cannot join a national political party because they are all my friends, I cannot pick one over the other. I want to remain wild and free,” ani Sara.

Kung muling mananalong mayor si Sara sa 2022 elections, ito na ang ikatlo at pinal niyang termino bilang alkalde ng Davao City.

Samantala, inihayag naman ni Deputy Speaker Bernadette Herrera, Spokesperson ng Hugpong Para Kay Sara (HPS) na hindi pa pinal ang desisyon ni Sara hanggang hindi pa sumasapit ang Oktubre 7.

Sinabi ni Herrera na patuloy na kukumbinsihin ng Citizens Movement si Sara na kumandidatong Pangulo dahil ito lang ang nakikita nilang makaka­yang pagkaisahin ang administrasyon.

“Kami sa HPS ay naniniwala na nothing is final until October 7, and that is why HPS continues to register new members and chapters, ang dami kasing gustong sumapi sa amin to convince President Rodrigo Duterte na i-reconsider niya ang mga plano niya sa 2022 to open the door for Mayor Sara to run for president,” ayon naman kay HPS Chairman Anthony del Rosario.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with