^

Bansa

Local COVID-19 cases sumipa sa 2.28-M sa pagkakadagdag ng 16,989 pasyente

Philstar.com
Local COVID-19 cases sumipa sa 2.28-M sa pagkakadagdag ng 16,989 pasyente
Residents in a compound in Brgy. Pinyahan, Quezon City which was placed under special concern lockdown due to COVID-19 cases receive food aid on Sept. 15, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16,989 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya't nasa 2,283,011 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 2,283,011

  • Nagpapagaling pa: 170,446, o 7.5% ng total infections

  • Kagagaling lang: 24,123, dahilan para maging 2,076,823 na lahat ng gumagaling 

  • Kamamatay lang: 214, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 35,742

New COVID-19 cases sa NCR Plus nasa iilang baranggay lang

  • Sa pag-aaral ng DOH ngayong araw, lumalabas na 80% ng bagong COVID-19 cases sa NCR Plus at Metro Manila ay nanggaling lang sa 11-30% ng mga baranggay nito, bagay na sumusuporta raw sa bagong sistema ng granular lockdowns.

  • Kaugnay ng napipintong pagpapatupad ng mas mahihigpit na granular lockdowns at bagong "alert systems" sa pilot implementation nito sa Kamaynilaan bukas, sinabi ng Philippine National Police na naghahanda na ito sa pagtulong sa pagpapatulad nito kontra COVID-19.

  • Kaugnay pa rin ng COVID-19 pandemic, kinumpirma naman ng Department of Education na nakabalik na sa mahigit 26 milyon, gaya noong 2020, ang enrolment sa mga K-12 schools. Gayunpaman, hindi pa rin ito nakakaabot sa pre-pandemic levels.

  • Bubuksan naman na uli ang Rizal Park sa mga bisita mula sa kahit na anong edad sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Tourism. Gayunpaman, mula 5 a.m. hanggang 9 a.m. lang ito para sa maximum 500 visitors.

  • Kahit na nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa, napagdesisyunan ng Commission on Elections na ilipat sa Sofitel tent sa Pasay City ang filing ng certificates of candidacy para sa mga national positions sa 2022 elections. Matatandaang una nang sinopla ng Comelec ang panawagang magsagawa ng online filing para maiwasan ang COVID-19 infections.

  • Umabot na sa 225.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.63 milyong katao.

— James Relativo

vuukle comment

COVID-19 TALLY PHILIPPINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with