Curfew hours sa Metro Manila iisksian simula ika-16 ng Setyembre — MMDA
MANILA, Philippines — Maaari nang lumabas nang mas matagal sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente ng National Capital Region simula Huwebes sa pagpapatupad ng mas maluwag na alert system laban sa COVID-19 sa pilot implementation nito.
Ayon kay Benhur Abalos, chair ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasabay ito sa effectivity ng Alert Level 4 ng Kamaynilaan sa ika-16 ng Setyembre.
"Ang curfew ngayon ay alas otso ng gabi. So ito ho ay inuusad na. Nagbotohan kami, ilalabas namin ang resolusyon na implementasyon nito isaabay sa pilot," wika ni Abalos sa state-run media, Martes.
"Magiging 10 p.m. na po ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga. 'Yun na rin po ang inano ng mga alkalde [ng Metro Manila]."
Hindi gaya ng dating community quarantine, linggu-linggo nang magtatalaga ng alert level sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila ang Department of Health batay sa virus transmission, hospital bed utilization at intensive care utiliztion. Iba't ibang paghihigpit at pagluluwag ang ipatutupad mula Alert Level 1 hanggang 5.
Pero imbis na buo-buong rehiyon ang ilalagay sa mga lockdown, maliliitang striktong granular lockdowns na lang ang ipatutupad para masawata ang pagdami ng COVID-19 cases. Ang mga local government units ang magdedesisyon sa mga granular lockdowns.
Dahil dito, makapagbubukas na uli ang maraming establisyamentong indoor at outdoor sa NCR simula Huwebes, ang nauna pwede hanggang 10% basta't fully vaccinated ang mga customer.
"With the issuance of the guidelines of the quarantine alert level system, I have instructed our police commanders in Metro Manila to study carefully and continue to liaise with the LGUs for strategic deployment and enforcement for the proper implementation of this," ani Police Gen. Guillermo Eleazar sa isang pahayag.
"Your PNP will actively participate in the enforcement and information dissemination of these guidelines, which also means that the police must also follow these guidelines."
Intra at interzonal travel ngayong may alert systems
Ayon naman kay Interior Undersecretary Epimaco Densing sa PTV4 kanina, hindi naman magkakaroon ng problema sa pagtawid ang mga taga-NCR papunta sa isa pang teritoryo kahit na magpapatupad ng bagong alert system.
Labas sa Metro Manila kasi, ang karaniwang community quarantine classifications pa rin kasi ang iiral.
"Sa Alert Level 4 po, intra and interzonal travels are really allowed. Wala ho tayong distinction kung babiyahe tayo from one city to another dito sa Kalakhang Maynila, at wala rinng problema kung lalabas tayo ng Kalakhang Maynila," paliwanag ni Densing.
"May pagkamaluwag po ang ating pagbabiyhe at ang restriction ay manggagaling na lang po sa lokalidad ng ating pupuntahan."
Sa huling ulat ng DOH nitong Lunes, umabot na sa 2.24 milyon ang tinatamaan ng COVID-19. Patay naman na ang 35,307 sa kanila. — may mga ulat mula kay Franco Luna
- Latest