^

Bansa

Pagbubukas ng klase sinalubong ng protesta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng klase sinalubong ng protesta
Nagdaos ng protesta ang mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Chino Roces bridge sa Maynila na isinabay sa pagbubukas ng klase kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinalubong ng kilos-protesta ng mga guro ang pagbubukas ng klase kahapon sa Mendiola sa Maynila bilang pagkondena nila sa pamahalaan sa umano’y pagbabalewala sa kanila at kawalan ng matibay na plano sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sobrang pagod at dagdag na gastos ang kasalukuyang ‘blended learning program’ na nasa ikalawang taon na dahil sa internet, gadgets at kuryente.

Sinabi ni Ruby Bernardo, ACT-NCR secretary, maraming guro na umano ang nakakaranas ng tinatawag na ‘burn-out’ dahil sa walang pahinga at marami na rin ang nagkakasakit. Inihirit din nila ang overtime pay.

Idinagdag pa ng grupo na maaaring hindi kalidad na edukasyon ang naibibigay ng mga guro dahil sa sistema ng blended learning. Marami na rin umanong mag-aaral ang tumitigil na sa pag-aaral dahil sa kawalang-interes, kawalan ng gadget at internet connection sa kanilang bahay.

Ayon sa isang guro, lima hanggang 10 mag-aaral na niya ang tumigil na sa pagdalo ng online class noong nakaraang taon dahil sa iba’t ibang dahilan.

Bukod dito, hiniling din ng mga guro ang karagdagang benepisyo at proteksiyon ng mga pampublikong teacher sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.

 

vuukle comment

PROTEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with