^

Bansa

Palasyo lalapit sa korte para buksan ang financial record ng Red Cross

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo lalapit sa korte para buksan ang financial record ng Red Cross
Ito ay makaraan na sabihin ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque na nabigo ang PRC na isumite ang financial records kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagsisilbing ‘honorary president’ ng orga­nisasyon.
Presidential Photo / Yancy Lim

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Presidential legal counsel Salvador Panelo na maaaring lumapit sa korte ang Malacañang upang pilitin ang Philippine Red Cross (PRC) na buksan at isumite ang kanilang financial records.

Ito ay makaraan na sabihin ni Presidential spokesman Secretary Harry Roque na nabigo ang PRC na isumite ang financial records kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagsisilbing ‘honorary president’ ng orga­nisasyon.

“For one, kung hindi kusa magbigay ng report, we can go to court to compel them to comply with what the law asks them to do,” saad ni Panelo sa panayam ng Dobol B TV.

“Kapag hindi pa rin sila gumawa niyan, mayroon silang liability. Kung five years sila hindi nagsusumite, mayroon silang violation,” dagdag ng abogado.

Una nang nagbanta si Duterte na ipahihinto ang lahat ng transaksyon  ng pamahalaan sa PRC habang nagsasagawa naman si PRC Chairman at Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon ng im­bestigasyon sa umano’y anomalya sa pagbili ng medical supplies para sa pandemya ng Department of Health.

Inatasan din niya ng Commission on Audit (COA) na suriin ang financial record ng PRC ngunit sinabi ng COA na wala silang hurisdiksyon sa naturang organisasyon.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with