^

Bansa

Gobyerno kakalas sa Red Cross ‘pag di nagpa-audit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil ang lahat ng transaksiyon sa Philippine Red Cross kung hindi papayag na ma-audit ng Commission on Audit.

Sinabi ng Pangulo na susulatan niya si Sen. Richard Gordo, chairman ng PRC para sabihan na buksan ang financial records ng organisasyon.

“Ngayon kung ayaw mo, mapipilitan akong totally i-disassociate with you. I will stop the national government and all from having transaction with you in any manner,” ani Duterte.

Sinabi rin niya na hindi siya magbibigay ng pera sa PRC at para sa kanya ay hindi nag-e-exist ang Red Cross.

Pinamili pa ni Duterte si Gordon na sumailalim sa auditing procedure o makipag-away sa kanya at kung makikipag-away ay dapat galingan ni Gordon.

Matatandaan na hindi nagustuhan ni Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon tungkol sa diumano’y overpriced na mga gamit na panlaban sa COVID-19 na binili ng gobyerno noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.

Nauna nang sinabi ni COA chairman Michael Aguinaldo na hindi nila maaaring i-audit ang organisasyon dahil hindi ito isang ahensiya ng gobyerno.

Ang maaari lang aniyang silipin ng COA ay ang pagbabayad ng PhilHealth sa Red Cross na nagsasagawa ng COVID-19 tests.

Nagbabala naman si Duterte na puwedeng ireklamo ang COA nang pag-abandona sa trabaho kung hindi titingnan ang PRC.

Sinabi pa ng Pangulo na nakahanda siya sa mahabang “legal battle” basta’t masilip ang perang ibinibigay ng gobyerno sa PRC sa mahabang panahon.

vuukle comment

RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with