Jobless Pinoys nabawasan
MANILA, Philippines — Mula 4.14 milyong jobless Pinoy noong Abril 2021, bumaba na sa 3.07 milyon ang walang trabaho nitong Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang unemployment rate noong July 2021 ay pumalo sa 6.9 percent na sinasabing pinaka mababa mula nang magkaroon ng pandemic sa bansa noong April 2020.
Mas mababa rin umano ito sa 7.7 percent unemployment rate noong June ng makapagtala ng 3.8 milyong jobless Pinoy.
Makikita ang mataas na percentage ng mga jobless Pinoy sa Metro Manila (9%), Central Visayas (8.8%), Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (8.2%), Bicol Region (7.9%), Calabarzon (7.7%) at Mimaropa (7.1%).
Samantala, ang employment rate naman ng bansa ay pumalo sa 93.1% noong Hulyo mas mataas sa 90% noong June. Ang mga may trabaho ay umaabot sa 41.7 milyon noong Hulyo at 45.1 milyon noong Hunyo.
- Latest