^

Bansa

Pacquiao: Cusi tinatarget ang executive secretary post

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao: Cusi tinatarget ang executive secretary post
“Ito kasing si Energy Secretary Alfonso Cusi, para malaman ng tao, gusto niyang mahawakan, ma-control ang PDP party para kung sino ang manalong Presidente, i-package niya, makahingi siya ng mataas na posisyon especially ‘yung hinahangad niya na maging executive secretary siya. ‘Yun ang gusto niya,” ayon kay Pacquiao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Gusto umanong masungkit ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang posisyon bilang executive secretary sa susunod na taon kung mananalo ang manok ng kaniyang faction sa 2022 elections, pagbubunyag ni Sen. Manny Pacquiao nitong Sabado.

“Ito kasing si Cusi, para malaman ng tao, gusto niyang mahawakan, ma-control ang PDP party para kung sino ang manalong Presidente, i-package niya, makahingi siya ng mataas na posisyon especially ‘yung hinahangad niya na maging executive secretary siya. ‘Yun ang gusto niya,” ayon kay Pacquiao.

Gusto lamang aniya na gamitin  ni Cusi ang kaniyang faction sa PDP-Laban bilang “stepping stone” sa kaniyang career.

“Itong partido, hindi ito para sa sariling kapa­kanan lang, kundi para sa masang Pilipino, para sa mga kababayan na naagrabyado at naghihirap at nagugutom,” dagdag ni Pacquiao.

“Marami tayong information sa loob. Nagli-leak naman ‘yan,” ani pa ng senador.

Wala namang naging komento si Cusi kaugnay sa ibinatong alegasyon ni Pacquiao.

Noong Hulyo, pinatalsik si Pacquiao bilang party president, kapalit si Cusi.

Subalit ang faction ni Pacquiao ay nanatili at siya namang nagtanggal kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang party chairman at ipinalit si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, kung saan founder ng partido ang ama na si dating Senator Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Iginiit naman ni Pacquiao na ang legal na faction ay ang kaniyang faction

vuukle comment

ALFONSO CUSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with