^

Bansa

Pondo sa SRA, benepisyo ng health workers sa 2022 budget ilalaban

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si Sen. Kiko Pangilinan na ipaglalaban ang sapat na pondo para sa special risk allowance (SRA) at iba pang benepisyo ng health workers para sa susunod na taon sa pagbusisi ng Senado sa 2022 national budget.

Ito ang pahayag ni Pangilinan kasunod ng anunsiyo ng Department of Health (DOH) na walang nakalaang pondo ang SRA ng health workers sa pambansang budget para sa susunod na taon.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang pondo para sa SRA ng health workers ay nakapaloob sa panukalang Bayanihan 3 na nakabimbin pa sa Kongreso.

Kamakailan lang, piniga ni Pangilinan si Duque upang magbigay ng deadline kung kailan matatanggap ng health workers ang kanilang mga naantalang mga benepisyo.

Sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, iginiit ni Pangilinan kay Duque na dapat mabigyan ang lahat ng 488,000 healthcare workers (HCWs) na karapat-dapat makatanggap ng benepisyo.

Bilang tugon kay Pangilinan, nangako si Duque na tatapusin ang validation ng listahan ng HCWs na kuwalipikadong makatanggap ng SRA at iba pang allowance at benepisyo sa loob ng dalawang buwan.

vuukle comment

SRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with