^

Bansa

Booster shots ikokonsidera ‘pag naabot ang 50% target population

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikokonsidera ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots kapag bakunado na ang 50 porsyentong target population at may sapat nang suplay ng COVID-19 vaccines ang bansa.

“Titingnan natin ang stability ng supplies natin... Kapag naabot na ang 50% vaccination sa lahat ng bahagi ng bansa, maaari nang pag-usapan ang booster shot,” ani Vergeire sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Aniya, ayon sa mga eksperto, ang ginagamit na bakuna ang siya ring gagamitin sa booster shot.

Inaasahan na ang tuluy-tuloy na pagpasok ng mataas na suplay ng bakuna simula sa Oktubre ng kasalukuyang taon batay aniya sa naging pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez.

Una nang sinabi ng DOH na hindi pa inirekomenda ng mga eksperto ang pagbibigay ng booster shot kahit kasali na sa hinihingi ng DOH sa proposed budget para sa 2022.

Sa susunod na linggo ay posibleng maglabas na ng desisyon ang Vaccine Expert Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) para sa pagbibigay ng booster shots.

Una nang sinabi ni Galvez na ang gobyerno ay nakikipag-usap na sa apat na manufacturer para sa suplay ng COVID-19 vaccine booster shots.

Hindi naman tinukoy ang kumpanya, habang ang Sinovac manufacturer ay handang mag-donate ng 500,000 booster doses sa medical workers.

Hiniling na rin ng pamahalaan sa Kongreso ang standby authority para sa pagbili ng P45.367 bilyong booster doses sa isang taon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with