Ex-DBM exec Lao nasa Pinas pa
MANILA, Philippines — Walang indikasyon na nakalabas na ng bansa si dating Undersecretary Christopher Lloyd Lao ng Department of Budget and Management (DBM) na kabilang sa mga iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa pagbili ng mga pandemic supplies noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi niya alam ang eksaktong kinaroroonan ni Lao pero walang indikasyon na nasa labas na ito ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Roque na nakausap niya sa telepono si Lao kahapon ng umaga kung saan ipinadala pa sa kanya ang quotes ng iba’t ibang suppliers ng personal protective equipment (PPE).
Nauna rito, iginiit ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite na dapat maglabas ng hold departure order laban kay Lao na posibleng aniyang pumuslit palabas ng bansa.
Sabi ni Roque, maaari naman gawin ng Senado anuman ang naisin nila.
- Latest