^

Bansa

1Sambayan Youth inilunsad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasama ng mga kinatawan ng demokratikong koalisyon na 1Sambayan, inilunsad ng mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng De La Salle at Ateneo ang unang sangay ng 1Sambayan Youth sa tulong ng Black Canvas Digital Agency.

Sa pulong ng mga kinatawan kamakailan sa FB Live ng kanilang mga Facebook pages na @1SYLasalyano at @1SYAteneo, binigyang diin ni Br. Armin Luistro ang halaga ng pagkakaisa.

“Mas mahalaga na ibi­gay ang ating sarili para sa bayan,” aniya.

Inilarawan niya rin ang 2020 Elections bilang battle of the century kung saan malaki ang tungkulin ng kabataan.

Sa isang pre-recorded message naman ay ipinahayag ni Vice Pres. Leni Robredo ang kanyang pakikiisa sa sangay ng 1Sambayan Youth mula sa Ate­neo at La Salle. “Kasama ninyo akong nananawagan sa pagkakaisa.”

Dagdag niya, ang pagtatag ng mga sangay na ito ay nagsisilbing paalala na maaari nating isantabi ang ating mga pagkakaiba para sa isang layunin.

Nakiisa rin si Sen. Risa Hontiveros sa nasabing diskusyon. Habang inaalala niya ang kakulangan ng tugon ng bansa sa health sector, sinabi niyang “For the youth of the Philippines, you should decide the outcome of the 2022 elections.”

Dagdag pa ni Atty. Chel Diokno, ang pagpili sa susunod na lider ng bansa ay nasa kamay ng kabataan. Hinihimok niya rin ito na magkaisa upang itaguyod ang mga nais nilang maging lider.

Ipinaliwag naman ni 1Sambayan Youth Convenor Rae Reposar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng makabuluhang talakayan kung saan malayang magbigay ng opinyon at pahayag ang mga tao, lalo na ang kabataan.

vuukle comment

1SAMBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with