^

Bansa

LGU exec pinagpapaliwanag sa nawawalang P102 milyong pondo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) si Quezon Gov. Danilo “Danny Suarez kaugnay ng nawawalang P102 milyong pondo para sa pagtugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa tala ng Department of Health, isa ang Quezon sa may pinakamataas na bilang ng biktima ng pandemya at pinaka-mababang vaccination rate sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) o Region IV A.

Sa annual report ng COA, lumalabas na mayroong P102,131,859.46 ang diumano’y nawawala mula sa kaban ng bayan sa lalawigan.

Sa pagsusuri ng COA, malaki diumano ang diperensya sa kasalukuyang Cash-in-Bank (CIB) at asset accounts ng probinsya at ang nakatalang utang at napaggastusan sa ilalim ng tanggapan ng gobernador.

Ayon sa ulat ng COA, ang nawawalang pondo ay galing sa hindi nai-remit na mga koleksyon ng mga collecting officers sa tanggapan ng Ingat Yaman ng probinsya mula sa 14 provincial hospitals at ilang milyong pisong unliquidated cash advances sa tanggapan naman ng gobernador simula pa 2019.

Inabisuhan na diumano ng COA si Suarez na direktahan na ang treasurer ang mga collection officers na i-remit na sa probinsya ang mga nasabing pondo, sapagkat umaabot sa 79 araw ang pagkakaantala sa remittance.   

Gayunman, hindi umano nagsumite si Suarez ng mga disbursement reports para sa mga ginastos na salapi ng probinsya na isang requirement ng COA memorandum circular 2012-001.

Sa ilalim ng batas mahaharap sa kasong malversation of public funds ang isang opisyal ng gobyerno kung wala itong mga dokumentong magpapatunay ng pinaggamitan ng pera ng taumbayan.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with