^

Bansa

E-sabong pumalit sa POGO - Pagcor

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na tinalo na ng e-sa­bong ang POGO ope­rations pagdating sa pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Pagcor Chairman Andrea Domingo, “maraming mga online casino o POGO ang nagsara ngayong pandemic”.

Nag-alala raw ang naturang ahensya kung saan na kukuha ng reve­nue na kailangang-kaila­ngan pa naman ng bansa bilang pantustos sa mga kailangan ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.

“But when e-sabong started in May this year, we already made around P3.5 billion in revenues,” ayon kay Chairman Domingo.

Ayon pa kay Domingo, “P350 million to P400 million kada buwan ang kinikita ng Pagcor sa online sabong”.

Sa kasalukuyan may apat na kumpanya na ang nag-ooperate ng e-sabong sa bansa.

Plano ni Domingo na gawing 12 ang online sabong operators para mas malaki pa raw ang kikitain ng ahensya.

Napag-alaman na unang nag-apply at na­aprubahan ng permit to ope­rate ng Pagcor ang Lucky 8 Star Quest Inc. na siyang nagpapatakbo ngayon ng Pitmaster Live na pag-aari naman ni Charlie “Atong” Ang.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with