^

Bansa

Ayuda 'basta may quarantine classification' itinutulak ngayong pandemya

James Relativo - Philstar.com
Ayuda 'basta may quarantine classification' itinutulak ngayong pandemya
A resident in Barangay 342, Manila received their cash aid on Wednesday (August 18, 2021).
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Isang araw bago ang pagluluwag ng Metro Manila at Bataan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), itinutulak ngayon ng isang grupo ng mga manggagawa ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng ayuda habang may COVID-19 pandemic — nasa pinakamahigpit mang lockdown o hindi.

Ikinatatakot din kasi sa ngayon ng ilan na mapuputol ang ipinamimigay na cash aid sa pagtatapos ng kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Miyerkules lang nang mabanggit ni Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos na maaaring wala nang ibigay na P1,000 kada taong ayuda ang national government sa Metro Manila simula Sabado.

"Anupaman ang quarantine classification, kailangan ng mamamayan ng ayudang sapat. Ang krisis sa kalusugan at kabuhayan ay nagpapahirap sa mamamayan na paulit-ulit na lang nila-lockdown ng gobyernong palpak," ayon kay Kilusang Mayo Uno chairperson Elmer "Ka Bong" Labog, Biyernes.

"Obligasyon, hindi limos, ang ayuda. Kaya dapat itong ibigay dahil state of public health emergency pa rin naman. May pera, alam nating lahat, pero kinukurat at di ginagamit sa tama."

Bagama't mas maluwag, marami pa ring establisyamento at negosyo ang hindi pinapayagang mag-operate sa ilalim ng MECQ, dahilan para hindi makabalik ng trabaho ang marami.

Sa kasaysayan, hindi namimigay ng ayuda sa mga lugar na nasa ilalim ng mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ) kahit na pare-parehong may tama sa ekonomiya at kabuhayan ang mga protocols.

Una nang hinihingi ng KMU ang "unconditional" cash aid na P5,000 sa lahat ng apektadong pamilya habang may lockdowns laban sa COVID-19, bagay na patuloy sa pagtindi sa ngayon.

Ngayon naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas sa iisang araw lang, bagay na pumalo sa 17,231 ngayong araw lang. Sumatutal, 1.8 milyon na ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 31,198 patay.

"It is a surge, regardless of government denial. But it’s simple. To resolve a problem is to first recognize it, then devise plans that will address the main problems. We have the funds clearly. But mismanagement and corruption from public officials has put the Filipino people in deep suffering," patuloy ni Labog.

"Hindi pwede kumuyakoy dahil lang MECQ na. Dapat maging agresibo ang test, trace, treat. Dapat maging sistematiko ang sistema ng pagbabakuna at pagbibigay-ayuda."

Ipinupunto ito ng KMU ngayong nailalagay sa kontrobersiya ang DOH dahil sa mga nasisita ng Commission on Audit sa paggamit nila ng pondo, kasama na ang "deficiencies" sa P67.3 bilyong pondo ng kagawaran para sa COVID-19 response

Kanina lang din nang isiwalat ni Paul Guimbarda, direktor ng DOH procurement service, na may P2.07 bilyong pondong nakalaan sana para sa COVID-19 supplies na hindi nagastos noong 2020.

Inamin din kanina ni Enrique Tayag, direktor ng DOH Knowledge Management and Information Technology Service, na bumili sila ng 31 Cisco Webex DX80 para sa videoconferencing sa halagang P380,000 kada unit, kahit na P120,000 lang talaga ito kada piraso.

vuukle comment

CASH AID

KILUSANG MAYO UNO

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with