^

Bansa

MMDA: Ayuda 'unsure' simula Sabado, NCR abang muna sa quarantine status

Philstar.com
MMDA: Ayuda 'unsure' simula Sabado, NCR abang muna sa quarantine status
The Quezon City government continues to inoculate food delivery riders and public transport drivers at the parking area of a mall in Fairview, Quezon City on Aug. 13, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahil "walang katiyakan" sa makukuhang ayuda ang mga taga-Metro Manila matapos ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong Biyernes, minabuti ng 17 mayors ng Kamaynilaan na tumalima na lang sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) pagdating sa mga bagong paghihigpit na ipatutupad sa rehiyon.

Ito ang ipinaabot ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, Miyerkules, pagdating sa napagdesisyunan ng Metro Manila mayors sa pamamagitan ng Metro Manila Council.

"The Metro Manila Council will defer to the decision of the [IATF] on the next community quarantine status to be implemented in the National Capital Region [after August 20]," wika ni Abalos sa isang briefing kasama ang media, Miyerkules.

"Maraming walang trabaho, maraming gutom. Ang tanong kung mag-e-ECQ ba tayo in two weeks, I'm not sure about the ayuda. Baka wala nang ibigay ang national [government]."

Sinasabi ito ni Abalos kahit una nang inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi magpapatupad ng lockdown ang gobyerno kung walang ibibigay na financial aid sa mga residente.

Tanging P1,000 kada tao o hanggang P4,000 kada pamilya lang ang kasalukuyang ibinibigay na ayuda ngayon ng gobyerno sa mga apektado ng ipinatutupad na lockdown, bagay na ipinataw sa pagpasok ng mas nakahahawang Delta variant.

Aniya, maraming salik na isinasasaalang-alang ngayon ang mga alkalde kung ibabalik ang ECQ ang mga kakainin ng hindi palalabasin ng bahay, kung paano imementena ang mga hindi pwede lumabas sa muling pagsasara ng mga negosyo sa gitna ng panibagong lockdown, atbp.

Bagama't nagrerekomenda ang MMC sa magiging quarantine restrictions ng kani-kanilang mga lugar batay sa mga materyal na kondisyon, IATF pa rin at si Pangulong Rodrigo Duterte sa huli't huli ang may desisyon pagdating sa mga paghihigpit.

Excercise sa labas pwede na uli sa Sabado?

Hindi pa napag-uusapan ng mga local executives kung ipagpapatuloy ang 8 p.m. hanggang 4 a.m. na curfew sa Kamaynilaan simula Sabado.

Gayunpaman, maaaring payagan na uli ang pag-eehersisyo sa labas ng bahay sa pagkakapaso ng direktibang epektibo lang hanggang ika-20 ng Agosto.

"Sa 20, sige [pwede na]. Pero magma-mask kayo, ha? Nakakahawa 'yung [bagong COVID-19] variant... Pwede na mag-exercise sa tapat ng bahay mo, pero mag-ingat ka, mag-face shield ka, mahirap na ngayon," patuloy ni Abalos.

Umabot na sa 1.77 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ang virus noong 2020. Sa bilang na 'yan, hindi pinalad ang 30,623 at pumanaw na. — James Relativo

vuukle comment

FINANCIAL AID

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with