^

Bansa

House bill na magpapalakas sa One Hospital Command, aprub

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lusot na sa House Committee on Health ang panukalang magpapalawak sa sakop at magpapalakas sa “One Hospital Command” sa bansa, lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, sinabi nito ang kahalagahan na maisabatas ang House Bill 9633 para mapaigting ang sistema ng paghahatid ng serbisyong-pangkalusugan at mapalawak ang One Hospital Command System, hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi sa iba pang panig ng Pilipinas.

Layon ng panukala na magtatatag ng “National Patient Navigation and Referral System” o NPNRS para sa mas ma-lakas na paghahatid ng health care services sa publiko.

Susuportahan din ng NPNRS ang province-wide at city-wide health care provider networks sa bansa na mag-uugnay sa mga lokal na pamahalaan, health facilities, telehealth service providers, at iba’t ibang ahensya ng nasyunal at mga lokal na pamahalaan upang magamit ng husto ang resources; at mailapit at maisaayos ang access sa de-kalidad na health services.

Nakasaad din ang pagbuo ng NPNR Center na magpapalakas pa sa kasalukuyang One Hospital Command Center o OHCC.

Magbibigay ito ng link sa mga Malasakit Center, tungo sa iba’t ibang pasilidad, upang mapo-protektahan naman mula sa “financial risk” o problemang pinansyal ang mahihirap na pasyente.

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with