^

Bansa

Cyber libel iniumang ni Pacman vs fake news

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cyber libel iniumang ni Pacman vs fake news
Ani Senator Manny Pacquiao, determinado siyang mapanagot ang mga socmed trolls na nasa likod ng pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kaniya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa kasagsagan ng kaniyang pagsasanay sa nalalapit na laban kontra sa American welterweight champion na si Errol Spence Jr., nahaharap din sa giyera kontra social media trolls si eight-time world division bo­xing champ Sen. Manny Pacquiao.

Ito ay sa gitna ng pagkalat ng mga fake news laban sa Senador hinggil sa umano’y ma-anomalyang multi-billion sports complex project sa Sarangani.

Ani Pacquiao, determinado siyang mapanagot ang mga socmed trolls na nasa likod ng pagpapakalat ng kasinungalingan laban sa kaniya.

“Many of these SocMed trolls are making a lot of money at the expense of honest and hard-working citizens. I’ll make it my mission to stop them at all cost,” ani Pacquiao.

Sa pamamagitan ng kaniyang legal team mula sa Cuison, Daguinod, Mendoza-Martelino Law office, hiningi ni Pacquiao ang tulong ng PNP Anti-Cyber Crime Group upang matukoy ang owners at administrators ng 27 fake news sites na tumulong sa pagpapalabas at pagpapakalat ng fake news na nag-ugnay sa kaniya sa 3.5 bilyong pisong korap­syon sa konstruksyon ng Sarangani Sports Complex.

Ang aksyon na ito ni Pacquiao ay nag-ugat sa social media post na inilabas ng sinasabing spiritual adviser ni Pangulong Duterte na si Pastor Quiboloy.

Isa umano ang Pastor sa nagkalat ng maling impormasyon na nagtuturo sa Senador bilang nasa likod diumano ng napabayaang Sarangani Sports Complex.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with