^

Bansa

Pinoy na walang trabaho bahagyang tumaas sa 3.76 milyon noong Hunyo

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Kung numero at numero ang titignan, dumami ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o negosyo nitong Hunyo sa 3.76 milyon habang nagpapatuloy ang mga community quarantines dahil sa COVID-19 pandemic.

Kahit mas marami ito kumpara sa 3.73 milyong jobless noong Mayo, sinasabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang nagbago sa unemployment rate  — 7.7% pa rin.

"Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7[%], o 77 sa bawat 1,000 na indibidwal na nasa labor force, ang walang trabaho o negosyo nitong Hunyo 2021," ayon sa PSA, Martes.

"Ito ay nanatili sa parehong rate noong Mayo 2021, ngunit ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na nasa 8.7[%]."

Walang nagbago sa unemployment rate kahit dumami ang bilang ng walang trabaho matapos dumami ang labor force (employed at unemployed) ng Pilipinas sa 48.84 milyon. Mas marami 'yan kumpara sa 48.45 milyon nitong Mayo.

Ito ang lumalabas matapos i-survey ng gobyerno ang nasa 11,081 kabahayan nitong Hunyo 2021. Nasa 33,791 katao mula sa mga bahay na sinuri ang 15-anyos pataas.

Samantala, narito naman ang iba pang mahahalagang datos na lumabas mula sa survey ng PSA:

  • may trabaho/negosyo (45.08 milyon)
  • employment rate (92.3%)
  • underemployed o nakukulangan sa trabaho (6.41 milyon)
  • underemployment rate (14.2%)

Mas mataas ng 0.92 milyon kumpara noong Mayo (5.49 milyon) ang underemployed noong Hunyo. Kasabay nito, tumaas mula 12.3% noong Mayo patungong 14.2% ang underemploument rate nitong Hunyo.

Nangyayari ito ilang buwan bago muling ipatupad ang bagong "hard lockdown" o enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Biyernes, bagay na tiyak na magpaparami uli sa walang trabaho.

ECQ pa rin naman sa probinsya ng Iloilo, Lungsod ng Iloilo, Gingoog at Cagayaan de Oro. Bunsod pa rin ito ng pagsipa ng COVID-19 cases at pagsusumikap na mapigilan ang pagdami ng mas nakahahawang Delta variant ng nakamamatay na virus. 

Employed pero 'di makapagtrabaho

Bumababa naman sa ngayon ang porsyento ng mga taong naka-empleyo ngunit hindi makapagtrabaho, matapos nitong malaglag sa 1.2% noong Hunyo mula 1.4% noong Mayo 2021.

Narito ang mga pangunahing dahilan ng hindi nila pagpasok:

  • kalusugan/limitasyong medikal (18.5%)
  • variable working time/nature of work (16.1%)
  • ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic (15.1%)
  • mahinang kondisyon ng negosyo (12.1%)
  • personal o rasong pampamilya (11.4%)
  • iba pang rason gaya ng leave, renovations kawalan ng kapital ng negosyo (8.4%)

Patuloy namang nananawagan ngayon ang Kilusang Mayo Uno (KMU) ng P5,000 ayuda bago muling ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, kasabay naman ng pagtataas ng presyo ng pagkain at liquefied petroleum gas.

Kaugnay nito, humihiling ng "prize freeze" si Jerome Adonis, secretary general ng KMU, bago simulan ang Metro Manila lockdowns para man lang makaagapay sa presyo ng mga batayang pangangailangan.

Hiling din nila ngayon ang pagpapasa ng panukalng P10,000 ayuda sa lahat ng pamilya, P100 daily wage subsidy sa mga manggagawa at paid pandemic leave.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with