^

Bansa

Budget chief nag-medical leave Habang naghahagilap ng pang-ayuda

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng paghahagilap ng gobyerno ng pondo para sa mga milyong Filipino na maaapektuhan ng mas mahigpit na quarantine classification ngayong buwan, naghain ng dalawang linggong medical leave si Budget Secretary Wendel Avisado.

Sa pahayag ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM), sinabi nito na simula ngayong araw Agosto 2 ay sasailalim sa 2-week medical leave si Avisado hanggang Agosto 13.

Hindi naman malinaw kung ang kalihim ay tinamaan ng COVID-19 virus, subalit walong araw na umanong naka-quarantine si Avisado at halos naka-confine na ng mahigit isang buwan.

Pinayuhan din umano si Avisado ng kanyang doktor na sumailalim sa serye ng pagsusuri dahil 14 taon na ang nakakalipas ng magkaroon ito ng quadruple open heart bypass.

Habang naka-medical leave ang kalihim ay papalit muna sa kanya sa loob ng dalawang linggo si DBM Undersecretary Tina Rose Marie Canda.

Nauna nang inihayag ng Inter- Agency Task Force (IATF) na muling sasailalim sa ECQ ang Metro Manila mula Agosto 6-20.

Sa kabila nito hindi naman matiyak ng pamahalaan kung saan kukuha ng pang-ayuda sa mga maaapektuhan ng lockdown.

vuukle comment

AYUDA

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with